British Airways, dinala ang mag-partner sa Grenada, imbes na sa Granada - demandahan na!

  • 9 years ago
British Airways, dinala ang mag-partner sa Grenada, imbes na sa Granada - demandahan na!


Dentista, dinemanda ang British Airways, dahil dinala siya sa Grenada, at hindi sa nais niyang marating na Granada.

Ang Washington-based na dentistang si Edward Gamson ay dinedemanda ang British Airways, dahil imbes na dalhin siya sa Granada, Spain, dinala siya sa Grenada, sa Caribbean.

Si Gamson, na dalawang taon nang hindi nagbabakasyon, ay balak na makasama ang kanyang partner na si Lowell Canaday mula DC papuntang London, sabay lipad papuntang Granada.

Nag-book at nakatanggap siya ng e-ticket, na sinabi niyang nakasulat ang Grenada with an E, pero hindi nakalista ang bansa, airport code, o ang oras ng paglipad.

Nasa ere na sila Gamson nang namalayan nilang sa ibang lugar pala sila papunta.

Pinapanood ni Gamson ang mapa ng flight route sa kanyang monitor nang napansin niyang papunta sa ibang direksiyon ang eroplano.

Kinausap niya ang isang flight attendant, na sinabihan siya na ang eroplano ay papunta sa Grenada with an E, at hindi ang Granada with an A na nasa Spain.

Hindi natuwa si Gamson at Canaday, dahil na-book na nila ang lahat ng mga hotel at sightseeing trips sa Granada, with an A.

Kaya ngayon ay dinedemanda nila ang British Airways para sa 34,000 dollars.

Pero...paanong hindi nila namalayan na sa ibang bansa sila papunta? Kung hindi nila naintindihan ang e-ticket, bakit hindi nila ito pinag-aralang mabuti sa airport?

At kung dito sila nauwi...mahihirapan naman kaming magreklamo!




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended