Babae, nanganak sa bathtub ng motel, ginamit ang ngipin para putulin ang umbilical cord!

  • 9 years ago
Babae, nanganak sa bathtub ng motel, ginamit ang ngipin para putulin ang umbilical cord!


Isang crack addict sa Florida, ipinanganak ang premature baby sa bathtub sa loob ng isang motel!

Ito ay isa na sa pinaka-nakakagambalang istoryang aming naengkwentro dito sa Tomo News. Isang babaeng lulong sa crack cocaine ang ipinanganak ang isang premature baby, sa isang bathtub, sa loob ng isang cheap na motel sa Ocala, Florida, noong Biyernes.

Huwag niyong sabihing hindi naming kayo binalaan! Ang susunod na animation ay hindi para sa mahina ang loob.

Si Chrystal Hassell, na may dalawa nang anak, ay napansin noong isang buwan na siya ay maaring nabuntis ulit.

Nang sinabi sa kanya ng mga doktor na siya ay anim na buwan nang buntis, nangako si Chrystal na titigil sa paggamit ng crack cocaine.

Pero hindi niya ito nagawa, at isang araw bago niya ipinanganak ang kanyang baby, nag-check-in siya sa isang cheap na motel para gumamit ng droga.

Ang premature na baby boy ay ipinanganak sa isang bathtub...

At ginamit ni Chrystal ang kanyang ngipin para putulin ang umbilical cord.

Nagtawag lang siya ng tulong, nang nagsimulang magkulay-asul ang mukha ng kanyang baby.

Ang ama ng baby na si Vincent Terry, na nakulong dahil sa attempted murder, ay hindi alam na lulong pa rin sa droga ang buntis niyang girlfriend.

Ang baby ay nasa kritikal na kondisyon sa isang ospital sa Gainesville, at si Chrystal ay naaresto na ng pulis.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended