Bagsakan ang Labanan! MAGSAYO, TATAPUSIN si FIGUEROA! Team Figueroa, DIDIKDIKIN si MAGNIFICO!

  • last year
MP Promotions president Sean Gibbons, IBINULGAR ang plano ni Mark Magnifico Magsayo kay Brandon The heartbreaker Figueroa.

May mga matitingding adjustments daw na makikita kay former WBC Featherweight champion Mark Magsayo sa oras na sumampa na silang dalawa ni Brandon Figueroa sa lona sa darating na lingo, March 5 ng umaga sa Pinas.
Magpapasabog ng mga mala-bombang suntok ang 27 anyon nating kababayan mula Tagbilaran Bohol.
Ayon pa kay Gibbons, sigurado daw na merong babagsak sa laban at ito nga ay si Brandon Figueroa!

Nagpahapyaw naman si Magnifico tungkol sa mga pagbabago na dadalhin sa laban.
Kailangan niya dawn a making ng Mabuti sa mga instructions ng kanyang coach at i-execute ng maayos ang kanilang game plan
Nabangit din ni Magsayo na kailangan niya ng matindi-tinding adjustments lalo na sa mga tall and rangy fighter tulad ni Figueroa.
Magiging mautak at maingat din daw si Magsayo lalot sandamakmak kung bumato ng suntok si Figueroa.
Panibagong lakas at determinsayon ang nagpapaningas sa apoy ni Magsayo lalot maganda daw ang chemistry nilang dalawa ni Coach Marvin Sumodio in preparation sa laban kaya masasaktan daw ng todo si Figueroa.
Tinitiyak ni Magnifico na magiging ma-action ang laban at siguradong panalo daw ang mga boxing fans na manonood ng kanilang duelo.
After ng laban kay Figueroa, target ni Mark Magsayo na makakuha ng rematch kay Rey Vargas kung bababang muli sa Featherweight division.
Well, dehado sa laban ang ating pambato pero stylistically, pabor ang match-up kay Magsayo.



Samantala, maganda naman daw ang paghahanda ng kampo ni Barndon Figueroa.
Sa loob ng mahigit 10 weeks ng training, kayang-kaya daw ni Figueroa na mag- all out sa laban.
Aminado si Figueroa na natural ang pagiging sakalam ni Magsayo pero may nakita sila na kahinaan ng pinoy.
Sa huling laban ni Magsayo, napansin ng Team Figueroa ang pagiging impatient o mainipin ni Mark sa bakbakan.
Ito daw ang nagbibigay kay Magsayo ng frustrations kaya bahagyang naungusan ni Rey Vargas.

Ng matanong tungkol sa kanilang game plan, magiging matalino daw sa ring itong si Figueroa.
Magbabawas daw sila ng dami ng suntok at papalitan ng mga power shots at précised punches.

Komportable pa din daw si Figueroa kung magiging dikdikan ang laban, kakalampagin din ang bodega ni Mark sabay in and out kung kinikailangan.

Well, sa dami ng mga sinabi ni Brandon Figueroa e baka maging bonus round kay Magsayo ang maangayyari.

Dehado man tayo sa paningin nila, lyamado naman sa apoy na na nag-aalab sa puso ni Magsayo


ABangang muli ang mga boxing news updates bukas ng 6pm.

#boxingnews #markmagsayo #brandonfigueroa

Recommended