Country singer Wayne Mills, nakipag-away sa bar, nabaril at namatay

  • 9 years ago
Country singer Wayne Mills, nakipag-away sa bar, nabaril at namatay

Ang country singer na si Wayne Mills ay nabaril at namatay noong Sabado ng umaga, sa Pit and Barrel Bar sa Nashville, Tennessee -- matapos makipag-away sa isa niyang kaibigan.

Si Mills at ang may-ari ng bar na si Chris Ferrell, ay magkaibigan, at patuloy na nagkukuwentuhan kasama nag iba pang mga kaibigan matapos magsara ang bar.

Nanigarilyo si Mills sa non-smoking na parte ng bar, at hindi natuwa si Ferrell.

Dahil na rin siguro sa dami ng kanilang nainom, nag-away ang dalawang lalaki, ay nagsialisan ang ibang tao sa bar.

Nagbunot ng baril si Ferrell, at ilang beses na binaril si Mills. Ayon sa kanya, ito ay self-defense.

Ang mga tao sa labas ng bar ang nagtawag ng pulis.

Wala pang naaaresto sa kasong ito. Si Mills ay may asawa at isang anak.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended