Police Brutality? Mga pulis, sinalpak ang isang 70 anyos na babae sa kalsada!

  • 9 years ago
Police Brutality? Mga pulis, sinalpak ang isang 70 anyos na babae sa kalsada!

Sumobra ba ang mga pulis sa pag-aresto kay Kathleen Allegrone, 70 years old, na nahuli nilang nagmaneho nang nakainom?

Iyan ang tanong ng marami, matapos i-post ni Nick James ang video na ito, kung saan makikitang malakas na tinulak ng isang police officer ang babae sa kalsada, sa Glynn County, Georgia.

Ang insidente ay nangyari noong December 5. Si Allegrone ay nakabangga ng isang sasakyan sa isang traffic light.

Bumaba raw ng kotse si Allegrone, at minura ang mga pasahero ng kotseng kanyang binangga.

Pero pagdating ng pulis ay ini-lock niya ang kanyang sarili sa loob ng sasakyan.

Hindi siya sumunod s autos ng pulis na bumaba mula sa kotse, at gumamit ng slim jim ang mga pulis para mai-unlock ang pinto ng kotse.

Pagkatapos ay hinatak nila ang nagsisigaw na Allegrone papunta sa isang patrol car.

Ayon kay police officer Kevin Jones, diniin daw ni Allegrone ang kanyang mga kuko sa kamay ni Jones, hanggang sa dumugo ito.

Ay iyan ang dahilan kung bakit napasalpak sa kalsada ang babae.

Nakakabastos man ang ugali ni Allegrone, tama ban a bastusin din siya ng pulis? Paki-iwan ang inyong mga comments.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended