Deer Suicide: Usa, tumalon mula sa overpass, at lumanding sa isang kotse!

  • 9 years ago
Usa, nagpakamatay - tumalon mula sa overpass, at lumanding sa isang kotse!

Ang babaeng ito, sa Illinois, ang nawalan ng kotse, matapos itong wasakin ng isang babaeng usa, na tumalon mula sa isang highway overpass, at lumanding sa van.

Si Heidi Conner ay nagmamaneho sa I-90 sa Chicago, kasama ang tatlong bata sa kanyang van. Paglapit niya sa Illinois 72 overpass, isang usa ang nagdesisyong tapusin ang kanyang buhay.

Tumalon ito, at winasak ang windshield ng van -- at halos lumanding pa ito sa kandungan ng nasindak na si Conner.

Noong una, ay inakala ni Conner na binangga ng isa pang kotse ang usa, kaya ito bumangga sa kanyang van.

Pero ayon sa mga saksi, ang usa ay kusang tumalon.

Nawasak ang van ni Conner sa insidente. At dahil siya ay mayroon lamang liability insurance, kailangan niyang kumuha ng claim laban sa kabilang party...na hindi mangyayari dahil ang other party ay ang usa, na namatay.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended