Lalake, gumamit ng samurai sword sa isang away, dahil lang sa $6 Walmart card!

  • 9 years ago
Lalake, gumamit ng samurai sword sa isang away, dahil lang sa 6-dollar Walmart card!


Ang spatula pala ay mas matibay kaysa sa espada!

Isang away dahil sa isang 6-dollar Walmart card ang nauwi sa madugong labanan ng espada!

Ito si Shane Tyson. Masaya siya dito...walang kamalay-malay na ang kanyang masasamang desisyon sa loob ng isang linggo ay magbibigay sa kanya ng criminal record.

Si Tyson, na nakatira sa Fayette County, Georgia, ay hindi matanggap na nasa sa kanyang ex-girlfriend ang isang Walmart card sa halagang 6 dollars. Kaya kinuha niya ang kanyang katana...at pinuntahan niya ang motor home ang kanyang dating girlfriend.

Mabilis na lumala ang sitwasyon nang sinigawan at pinagmumura ni Tyson si Stephanie Workman, at nagising si Eric Workman, na pinaalis si Tyson. Pero imbes na umalis, ay bumalik si Tyson sa kanyang kotse at inilabas ang Japanese na espada.

Nalaslas ni Tyson si Workman sa may baywang, gamit ang espada. Kumuha ng bakal na barbecue brush si Workman, na ginamit niya para hampasin si Tyson sa ulo...bumalik sa kanyang sasakyan si Tyson, at tumakas mula sa eksena.

Si Workman ay nangailangan ng labindalawang tahi sa kanyang tama mula sa espada. Si Tyson ay naaresto at nakasuhan ng aggravated assault at iba pang mga krimen.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended