Harvard professor, mahilig pahirapan ang mga Asian restaurants!

  • 9 years ago
Harvard professor, pinahihirapan ang mga restaurant na kanyang kinakainan!

Mukhang matagal nang may issue ang isang Harvard business professor - na hinamong idedemanda ang isang Chinese restaurant, nang na-overcharge siya nito ng 4 dollars sa kanyang bill na 53 dollars - pagdating sa mga restaurant.

Minsan nang nagalit si Ben Edelman sa isang sushi restaurant, nang tumanggi silang ipagamit sa professor ang isang coupon, para sa fixed price na menu. Sa isang email, sinulat ni Edelman na nais niyang payagan siya ng restaurant na gamitin ang tatlo niyang vouchers, at gusto rin niyang i-extend ng restaurant ang date ng mga coupons, nang anim na linggo mula sa araw na maayos nila ang kanilang issue. Sarado na ngayon ang Osushi restaurant.

Patuloy na nagreklamo si Edelman sa City of Boston Licensing Board, na sinabi niyang maaring tanggalin ang liquor license ng restaurant. Ang sagot dito ng Osushi ay ang pag-ban kay Edelman mula sa restaurant, at sinabi nilang tatawagin nila ang pulis kapad hindi niya pinansin ang warning na ito.

Ayon sa restaurant, dapat na mahiya ang professor dahil sa ipinakita niyang ‘business practices,’ kung saan sinisira niya ang isang negosyo dahil hindi sila pumayag na basta-bastang sundan ang mga request niya, na hindi naman makatwiran. Pinaalala nila sa professor na makakakuha siya ng refund sa kanyang mga vouchers, dahil walang tao sa retail industry ang dapat na makalaban ang isang taong kasing-yabang niya.

Ano sa tingin niyo? Ito ba ay isang kaso ng enlarged ego ng isang professor, o nagkamali ba ang restaurant? Mag-iwan ng opinyon sa comments.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended