Libyan dictator Muammar Gaddafi, may sikretong rape chamber, ayon sa BBC!
  • 9 years ago
Libyan dictator Muammar Gaddafi, may sikretong rape chamber, ayon sa BBC!


Ang sikretong rape chamber ng Libyan dictator na si Muammar Gaddafi, na-uncover ng BBC!

Dalawang taon matapos ang pag-capture at pagpatay sa Libyan dictator na si Muammar Gaddafi, makikita ngayon sa isang BBC documentary ang kanyang brutality -- at ang kanyang sikretong rape chamber.

Ayon sa documentary, pinatay ni Gaddafi ang kanyang mga pulitikal na kaaway, at nilagay niya ang ulo ng isa sa mga ito sa loob ng freezer, para makita at maipagyabang.

Itinago pa niya ang katawan ng ibang kaaway na kanyang pinapatay, sa isang walk-in freezer na kanyang dinadalaw kapag kanyang naisipan.

Habang siya ay nagde-deliver ng speech, namimili si Gaddafi ng mga sex slaves mula sa kanyang kinakausap na estudyante. Ang sex chamber, na ginawa sa campus ng Tripolo University, ay mayroong gynecological suite, kung saan maaring i-check kung may sakit ang mga babae, o kung sila ay buntis at kailangan ng abortion. Mayroon din itong 70s style na bedroom at Jacuzzi.

Ang mga biktima ay dinadala sa isang mental asylum, matapos silang ma-rape.

May mga magulang na halos tatlong buwang hinanap ang kanilang mga anak na babae.

Ayon sa British filmmaker na si Christopher Olgiati, si Gaddafi ay napaka-charming, pero walang awa, at walang kasing-yaman. At nagawa niya ang lahat ng kanyang nagawa, dahil sa kanyang kasakiman para sa kapangyarihan.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended