Babae, pinunit ang mukha at pinagsasaksak ang 12-year-old na stepson!

  • 9 years ago
Malupit na stepmother, pinunit ang mukha at pinagsasaksak ang kanyang 12-year-old na stepson!


Mukha ng isang batang lalake, pinunit ng kanyang stepmother!

Mahirap paniwalaan na may makakagawa nang ganito sa isang bata. Isang walang-awang stepmother sa Qinghai, China, ang inabuso ang kanyang dose anyos na stepson, nang walang dahilan, noong isang linggo.

Nilaslas niya ang kamay ng bata, at pinunit ang kanyang bibig, gamit ang kanyang mga kamay, hanggang sa napunit ang kanyang mukha mula bibig hanggang tenga!

Nagkaroon din ang bata ng malalim na butas sa kanyang kaliwang balikat, na gawa ng pagsaksak ng kutsilyo; sinaksak din siya sa leeg, at sa marami pang ibang parte ng kanyang katawan.

Kung sa palagay ninyo ay sapat na ang mga ito para makulong ang babae...sad to say, hindi po. Ayon sa local reports, hindi prinoseso ng pulis ang kasong ito, dahil wala raw spat na ebidensiya.

Imposibleng kulang sa ebidensiya! Hindi kaya may importanteng opisyales na pino-protektahan ang babae? Ito ang spekulasyon ng marami. At nasaan ang ama ng bata habang nangyayari ang lahat ng ito?

Pinost ng mga netizens ang mga litrato ng abuso sa Internet, para makatulong sa kawawang bata, lalo na't walang balak kumilos ang mga awtoridad. Ngayong nakakakuha ng mas maramng atensiyon ang insidenteng ito, sana ay makuha ng bata ang proteksiyon na kailangan niya, bago mahuli ang lahat.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended