Lalaking naka-gorilla costume, binaril ng tranquilizer ng beterinaryo sa isang zoo sa Spain!

  • 9 years ago
Lalaking naka-gorilla costume, binaril ng tranquilizer ng beterinaryo sa isang zoo sa Spain!


Lalaking naka-gorilla suit, aksidenteng na-tranquilize sa isang zoo escape drill, sa Tenerife, Spain!

Isang employado sa isang Spanish zoo ang nadala sa ospital, matapos siyang magkaroon ng severe allergic reaction sa isag tranquilizer dart, matapos siyang mapagkamalang nakatakas na gorilla.

Ang worker ay nakasuot ng gorilla costume, bilang pagsali sa isang escaped animal drill, sa Loro Parque Zoo sa Tenerife, nang isang beterinaryo, na hindi alam ang tungkol sa drill, ang nakitang nagtatakbo ang 'gorilya.'

Kumuha ng tranquilizer gun ang beterinaryo, at dahil hindi niya makita ang pagkakaiba ng tunay na gorilya at ng lalaking naka-gorilla suit -- ay tinamaan niya ang lalaking naka-gorilla suit sa paa, ng isang dart na may laman na sedative, na sapat na para mapatulog ang isang 400-pound na hayop.

Nagkaroon ng malubhang allergic reation ang kawawang 200-pound na worker sa tranquilizer, at siya ay kasalukuyang nasa serious condition sa ospital.

Wala pang lumalabas na resulta sa vision test ng beterinaryo.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended