VIDEO: Ray Rice, na-KO ang fiancee; nawalan ng football contract!

  • 9 years ago
Video, pinapakita ang NFL star na si Ray Rice, na sinuntok sa mukha ang kanyang fiancée!

Tinerminate na ng Baltimore Ravens ang kontrata ni Ray Rice, matapos kumalat ang graphic footage ng pagsuntok ng running back sa kanyang fiancée sa isang Atlantic City casino.

Ang raw elevator footage, mula sa TMZ Sports, ang nagpapakita kay Rice at Janay Palmer - na ngayon ay asawa niya na – na pumasok sa isang elevator sa Revel Hotel and Casino noong February 15.

Lasing diumano ang dalawa, at makikitang nagkasagutan, bago biglang sinuntok ng lalake ang babae.

Makikitang sinugod ni Palmer si Rice…
At sinuntok siya ng napakalakas ng football player…

Ang lakas ng suntok ang nakatama sa ulo ni Palmer sa handrail, at na-knock-out ang babae.

Ang pinakanakaka-shock sa video na ito ay ang smunod na pangyayari. Makikita natin si Rice, na mukhang walang nangyari ang itsura, na kinaladkad palabas ng elevator ang babae.

Nang nagkalat ang video na ito noong Pebrero, maraming nagalit at nasuspinde lamang si Rice ng dalawang laro sa NFL.

Nakakalungkot na kailangang umabot sa ganitong level bago naisipan ng Ravens at ng NFL na bigyan si Rice ng karapat-dapat na parusa.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended